Aimer c'est tout donner et se donner soi meme.

LINGGO NG PASKO NG MULING PAGKABUHAY

Pagmimisa sa Bukang Liwayway na may Salubong

 

Kung ang salubong ay gaganapin bago mag-umaga ng Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay karaniwan ang unang Misa ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, pinahihintulutan at iniririkomenda na ito ay isama sa mismong Misa tulad ng ginagawa kapag ikalawa ng Pebrero o pagkatapos ng Asperges kung Araw ng Linggo.

 

Pinahintulutan ang Pilipinas ng Congregation for Divine Worship and Discipline of the Sacraments na ang Salubong ay maaaring ganapin sa Pambungad na Rito ng Misa sa Madaling Araw o Misa sa Pagbubukang Liwayaway ng Linggo sa Pasko ng Muling Pagkabuhay. Kapwa drama at prusisyon ang Salubong na may anyo ng ritwal. Ngunit walang anyo o pormang liturhikal tulad ng prusisyon sa Linggo ng Pagpapakasakit ng Panginoon. Ito’y itinaas sa dignidad ng kilos liturhikal. At ito ang ginawa ng Congregation for Divine Worship and Discipline of the Sacraments. Ang suliranin lamang ay di tulad ng prusisyon sa Linggo ng Pagpapakasakit ng Panginoon na buong ipinasok sa liturhiya, ang Salubong ay nananatiling banyagang elemento ng Roman Mass na nakatuon sa pagpapakita ni Kristong muling nabuhay hindi sa Kanyang Inang si Maria ngunit kay Maria Magdalena.

 

Ang Encuento o Salubong ay ipagdiriwang ng ganito:

 

Sa unang Misa sa Araw ng Pasko ng Pagkabuhay babatiin ng paring tagapamuno ang sambayanang natitipon sa plaza o sa pintuan ng simbahan.  Ang mga imahen ng Pagkabuhay (na maaaring magmula sa sementeryo ng parokya) at ng Mahal na Birhen (na magmumula sa simbahan o sa bisita/kapilya na malapit dito) ay magsasalubong sa isang pook na malapit sa simbahan o sa may  harap ng simbahan. Ang dalawang imahen (Kristong Muling Nabuhay at ng Mahal na Birheng Maria) ay ipapasok o dadalhin sa pamamagitan ng prusisyon sa loob ng simbahan patungo sa santuaryo habang  samantalang inaawit ang Pambungad o ang Taludtod-Pambungad. Pagdating ng mga imahen sa santuaryo ay aawitin kaagad ang “Papuri sa Diyos”.  Susundan ito ng Pambungad na Panalangin. Ang Pambubgad na Pagbati at ang pagsisisi ay di gaganapin. (Sulat buhat sa Roma na ipinadala rito noong ika 18- ng Marso, 1971)

 

Upang tumugma ang diwa ng liturhiya at umangkop ang nilalaman ng Salubong, minarapat ng mga Obispo ng Pilipinas noong Enero 1993 na magsagawa ng pagbabago sa mga panalangin a mga pagbasa sa pagmimisang ito ng Bukang Liwayway ng Linggo ng Muling Pagkabuhay. Kaya nga, katulad ng liturhiya ng Pasko ng Pagsilang, mahalagang pansin ang itinutuon sa Mahal na Birheng Maria.

 

Sa lahat ng mga Misa ngayong araw na ito, ang Pagsisisi sa Kasalanan at ang Panginoon, kaawaan Mo kami gayundin ang sumasampalataya ay lalaktawan sapagkat ang mga ito ay nasasaad na sa Pagsasariwa sa Pangako sa Pagbibinyag.

 

Pambungad:                                                                        

                                                                                            Salmo 139: 18, 5-6

Ako ay muling nabuhay at kapiling mo na na naman. Ipinatong mo ang kamay, upang Ako ay ingatan. Aleluya, kaylanman.

 

o kaya:

                                                                          Lukas 24; 34 & Pahayag 1: 6

Ang Panginoo’y nabuhay! Paghahari’t karangalan ay Kanya magpakailanman. Aleluya! Ipagdangal ang Kanyang kadakilaan.

 

PAPURI SA DIYOS                                                   

Lahat:        Papuri sa D’yos sa kaitaasan. At sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan N’ya. Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin, sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin. Pinasasalamatan Ka namin dahil sa dakila Mong  angking kapurihan. Panginoong D’yos Hari ng langit. D’yos Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak. Panginoong D’yos, Kordero ng D’yos, Anak ng Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan , maawa Ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan , tanggapin Mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa Ka sa amin. Sapagkat Ikaw lamang ang banal at ang kataastaasan. Ikaw lamang, O Hesukristo ang Panginoon, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng D’yos Ama. Amen.

 

 

PANALANGING PAMBUNGAD

Pagkaraan ng awit, magkadaop ang mga kamay na ipahahayag ng pari

 

Pari:                     Manalangin tayo

Ang lahat kaisa ng pari ay tahimik na mananalangin nang saglit. Pagkalipas ng ilang

sandali, ilalahad ng pari ang kanyang kamay at ipahahayg ang panalanging pambungad.

 

(upang  tulad ng Mahal na Birheng Maria lagi nawa nating makapiling ang muling nabuhay na Tagapagligtas natin)

 

Ama naming makapangyarihan

ngayon ang  araw ng kagalakan ng Pagkabuhay.

Ngayon ang bukang-liwayaway

noong ang nabuhay naming Panginoon ay nagpakita

sa Kanyang mga alagad na sinisinta.

Kasama ni Maria, na Ina ng Iyong Anak,

kami ay lubos na nagagalak

sapagkat ang kinamit niyang dalhin sa kanyang sinapupunan

ay tunay ngang muling nabuhay.

Sa panalangin ng mahal na Birhen,

tulungan Mo kaming laging makita sa buhay namin

ang diwa ng muling pagkabuhay

na tinamo ng Anak mong bigay.

Iniluluhog namin ito

sa pamamagitan ni Hesukristo

kasama ng Espiritu Santo

magpasawalang hanggan.

 

Sa katapusan nito’y sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Lahat:                          Amen.

 

 

 

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Isusunod ang Pagpapahayag ng Salita ng Diyos.  Ang mga Pagbasa Gawa ng mga Apostoles  10:34, 37- 43 at Colosas 3:1-4 or 1 Corinto 5; 6-8  at ang Salmong Tugunan ay sa mula sa Pasko ng Muling Pagkabuhay. Paroroon sa pook ng pagbasa ang maglalahad ng Salita ng Diyos. Habang ipinahahayg niya ang unang pagbasa, ang lahat ay nakaupong makikinig.

 

UNANG PAGBASA                                                                 

Pagbasa mula sa Gawa ng mga Apostol                               10: 34, 37- 43

Noong mga araw na iyon, nagsalita si Pedro, “Alam ninyo ang nangyari sa buong Hudea na nagsimula sa Galilea nang mangaral si Juan tungkol sa binyag.  Ang sinasabi ko’y tungkol kay Hesus na taga-Nazaret. Ipinagkaloob sa Kanya ng Diyos ang Espiritu Santo at ang kapangyarihan bilang katunayan na Siya nga ang Hinirang. Sapagkat sumasakanya ang Diyos, saanman Siya pumaroon ay gumagawa Siya ng kabutihan at nagpapagaling sa lahat ng pinahihirapan ng diyablo. Saksi kami sa lahat ng ginawa Niya sa lupain ng mga Hudio at sa Herusalem. Gayunman, Siya’y ipinako nila sa krus. Nhunit muli Siayng binuhay ng Diyos sa ikatlong araw. Napakita siya, hindi sa lahat ng tao kundi sa amin lamang na noon pang una’y pinili na ng Diyos bilang mga saksi. Kami ang nakasam Niyang kumain at uminom pagkatapos na Siya’y muling nabuhay. Inatasan Niya kaming mangaral sa mga tao at magpatotoo na Siya ang itinalaga ng Diyos na maging Hukom ng mga buhay at mga patay. Siya ang tinutukoy ng mga propeta nang kanilang ipahayag na bawat mananalig sa Kanya ay tatanggap ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, sa pamamagitan ng Kanyang pangalan.”

 

 

Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Lektor:                 Ang Salita ng Diyos.

Sasagot ang lahat:

Lahat:                  Salamat sa Diyos.

           

SALMONG TUGUNAN

Ang tagapaglahad ng salmo o tagaawit ay magpapahayag ng akda mula sa Aklat ng mga Awit at ang mga tao ay tutugon ng kaukulang taludtod.

 

 

Araw ngayon ng Maykapal, magalak tayo’t magdiwang.

 

O pasalamatan ang Diyos na Panginoon,

pagkat Siya’y mabuti;

ang Kanyang pag-ibig

ay napakatatag at mananatili.

Ang taga-Israel,

bayang sabihi’t kanyang ihayag

”Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi kukupas.”

 

Ang lakas ng Poon,

ang siyang nagdulot ng ating tagumpay

sa pakikibaka sa ating kaaway.

Aking sinasabing di ako papanaw,

mabubuhay ako upang isalaysay

ang gawa ng Diyos na Panginoon ko.

 

Ang batong natakwil

ng nangagtatayo ng tirahang-bahay,

sa lahat ng bato’y higit na mahusay.

Ang lahat ng ito

ang nagpamalas ay ang Panginoong Diyos.

Kung iyong mamasdan ay kalugod-lugod.

 

IKALAWANG PAGBASA                                     

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga Colosas                                                                                                                      3:1-4

Mga kapatid:

Binuhay kayong muli, kasama ni Kristo, kaya’t ang pagsumakitan ninyo ay ang mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Kristo na nakaupo sa kanan ng Diyos. Isaisip ninyo ang mga bagay na panlangit, at hindi ang mga bagay na panlupa, sapgkat namatay na kayo at ang tunay na buhay ninyo’y natatgo sa Diyos, kasama ni Kristo. Si Krsito ang tunay na buhay ninyo, at pag Siya’y nahayag, mahahyag din kayong kasama Niya at makikihati sa Kanyang karangalan.

 

Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Lektor:                 Ang Salita ng Diyos

Sasagot ang lahat:

Lahat:                  Salamat sa Diyos

 

o kaya:

 

Ang Salita ng Diyos mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga Corinto.                                                                                     1 Corinto 5; 6-8

 

                    Mga kapatid:

Hindi ba ninyo alam ang kasabihang, “Napaaalsa ng kaunting lebadura ang buong masa”? Alisin ninyo ang lumang lebadura, ang kasalanan, upang kayo’y maging malinis. Sa gayon, matutulad kayo sa isang bagong masa na walang lebadura – at ganyan nga kayo. Sapagkat naihandog na an gang ating Korderong pangpaskuwa – si Kristo. Kaya’t ipagdiwang natin ang paskuwa, ngunit hindi sa pamamagitan ng tinapay na may lumang lebadura ng kasamaan at kahalayan, kundi sa pamamagitan ng tinapay na walang lebadura, sagisag ng kalinisan at katapatan.

 

Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Lektor:       Ang Salita ng Diyos

Sasagot ang lahat:

Lahat:        Salamat sa Diyos

 

Ayon sa kapasyahan ng mga Obispo ng Pilipinas, sa pagmimisang ito na may Salubong lalaktawan o di babasahin o aawitin ang Awit tungkol sa Mabuting Balita o Sequencia upang maituon lamang ang pansin sa Mahal na Birheng Maria at maiwasan ang  pagkalito dulot ng pagbanggit kay Maria Magdalena sa Awit.

 

Sinadya ding palitan ang Mabuting Balita upang umayon sa diwa ng Salubong

 

Ang Ebanghelyo ay Lukas 11:27-28 mula sa Common of the Blessed Virgin Mary. Ang pagpupuri sa Mahal na Birheng Maria at ang lahat ng nakikinig sa Salita ng Diyos at isinasabuhay ito. Pinapalitan nito ang Juan 20: 1-9.

 

ALELUYA                                                                        1 Corinto 5, 7b-8a

 

Aleluya! Aleluya! Si Kristo’y inihain na pamaskong maamong tupa. Magsalo tayo sa Kanya!  Aleluya! Aleluya!

                                                                                          

MABUTING BALITA                                                        Lukas 11:27-28

Ang paring nakayuko sa gawing dambana ay magdarasal ng pabulong:

 

Makapangyarihang Diyos gawin Mong dalisay ang aking puso at labi upang marapat kong maipahayag ang Mabuting Balita.

 

Pagkatapos, ang pari ay paroroon sa pook ng pagbasa o sa ambo.     

 

Pari:                     Sumaiyo ang Panginoon.

 

Sasagot ang mga tao:

Lahat:                            At sumainyo rin.

 

Ihahayag ng pari:

Pari:                     Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lukas.

 

Samantala’y kukrusan niya ang aklat, ang kanyang noo, ang kanyang bibig, at ang kanyang dibdib.

 

Magbubunyi ang mga tao:

Lahat:                  Papuri sa ‘Yo Panginoon.

 

Pari:                     Samantalang nagsasalita si Hesus, may isang babaeng sumigaw mula sa karamihan at nagsabi sa Kanya, ”Mapalad ang babaeng nagdala sa Inyo sa kanyang sinapupunan, at nagpasuso sa Inyo!” Ngunit sumagot Siya, ”Higit na mapalad ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!”

                  

Sa katapusan, ihahayag niya:

Pari:                     Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

 

Magbubunyi ang mga tao:

Lahat:                  Pinupuri Ka namin, Panginoong Hesukristo.

 

Hahalikan ang aklat habang dinarasal nang pabulong:

Magbunga nawa itong pagpapahayag ng Mabuting Balita ng pagkapawi ng mga kasalanan.

           

HOMILIYA

Pagkapahayag sa Mabuting Balita, gaganapin ng pari ang pangaral na nasasalaig sa mga inilalahad mula sa Banal na Kasulatan tungkol sa misteryo ng . Ang pangaral ay iaangkop sa katayuan ng mga kinauukulan.

 

Pagkaraan, gaganapin ang homiliya na magandang pagkakataon para ipaliwanag ang Salubong at ang mga pagbasa lalung-lalu na ang Mabuting Balita at ipakita ang kaugnayanng mga ito sa karanasan ng mga nakikinig.

 

 

PAGSASARIWA SA PANGAKO SA PAGBIBINYAG

Sa lahat ng mga Misa ngayon para sa mga tao, gaganapin ang pagsasariwa sa pangakong pambinyag pagkatapos ng homiliya. Lalaktawan ang sumasampalataya. Aanyayahan ang mga tao sa ganito o katumbas na mga pangungusap:

 

Pari:           Mga kapatid,

sa misteryo ng Pasko ng Pagkamatay at Pagkabuhay ni Kristo,

                   tayo’y nalibing kasama Niya noong tayo’y binyagan

upang kasama rin Niya tayo’y makabangon at makapagbagong-buhay.

 

Naganap na natin ang apatnapung araw na Paghahanda,

Kaya’y sariwain natin ngayon an gating pangako sa pagbibinyag.

Talikdan natin ang kasamaan at kasalanan.

Harapin natin ang matapat na paglilingkod sa Diyos

bilang mga maaasahang kaanib

sa Kanyang banal na Simbahang Katolika.

Kung kayo’y makapangangakong tatalikod

Sa lahat ng hadlang sa katuparan ng panukala ng Diyos upang kayo’y makapamuhay

Bilang matapat at maaasahang kaanib ng Kanyang angkan pakisagot ninyo itong tatlong katanungan.

 

I

Pari:           Para kayo makapamuhay bilang mga malayang anak ng Diyos, ang kasalanan ay itinatakwil ba ninyo?

 

Lahat:        Opo, itinatakwil namin.

 

o kaya:

 

Pari:           Si Satanas ay itinatakwil ba ninyo?

 

Lahat:        Opo, itinatakwil namin.

 

II

Pari:           Para kayo’y huwag mapailalim sa kasalanan, ang kaakit-akit na tukso ng kasamaan ay itinatakwil ba ninyo?

 

Lahat:        Opo, itinatakwil namin.

 

o kaya:

 

Pari:           Ang mga gawain ni Satanas ay itinatakwil ba ninyo?

 

Lahat:        Opo, itinatakwil namin.

 

III

Pari:           Si Satanas na pinanggagalingan ng kasalanan at pinuno ng kadiliman ay itinatakwil ba ninyo?

 

Lahat:        Opo, itinatakwil namin.

 

o kaya:

 

Pari:           Ang mga pang-akit ni Satanas upang sumuway ang tao sa Diyos ay itinatakwil ba ninyo?

 

Lahat:        Opo, itinatakwil namin.

 

Pari:           Ngayon nama’y ating harapin ang ang ating pananampalataya.

 

Kung kayo’y makapangangakong magsisikap mamuhay bilang mga ikinararangal na Anak ng Diyos Ama,

kung tutularan ninyo Siya sa Kanyang kabutihan, pagmamahal sa lahat, at pagmamalasakit para sa pangkalahatang kapakanan, pakisagot ninyo ang katanungang ito:

 

Sa Diyos amang makapangyarihan sa lahat at Lumikha ng langit at lupa kayo ba ay sumasampalataya?

 

Lahat:        Opo, sumasampalataya kami.

 

Pari:           Kung kayo’y makapangangakong magsisikap mamuhay bilang mga tunay na kapatid ng Panginoong Hesus, kung gagawin ninyong simulain sa buhay ang Kanyang katwiran, katarungan, at paglilingkod sa lahat alinsunod sa Kanyang pagmamahal, pakisagot ninyo ang katanungang ito:

 

Sa iisang Anak ng Diyos, ang ating Panginoong Hesukristo, na ipinanganak ni Santa Mariang Birhen, ipinako sa krus, namatay inilibing, muling nabuhay ay naluluklok sa kanan ng Ama kayo ba ay sumasampalataya?

 

Lahat:        Opo, sumasampalataya kami.

 

Pari:           Kung kayo’y makapangangakong susunod sa patnubay ng Espiritu Santo at kung sisikapin ninyong mapaunlad ang kaloob niyang buhay at pagmamahal upang mga maipagmamalaking  anak ng Diyos Ama at kapatid ng Panginoong Hesus pakisagot ninyo ang katanungang ito:

 

Sa Espiritu Santo, sa Banal Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa muling pagkabuhay ng mga namatay, at sa buhay na walang hanggan, kayo ba ay sumasampalataya?

 

Lahat:        Opo, sumasampalataya kami.

 

Pari:           Bunga ng pagmamahal ng Diyos na makapangyarihang Ama ng ating Panginoong Hesukristo

                   tayo ay pinatawad sa ating mga kasalanan

                   noong tayo’y muling isilang sa tubig at Espiritu Santo

                   tulungan nawa Niya tayonmg mamalaging tapat

                   sa ating Panginoong Hesukristo ngayon

                   at magpasawalang hanggan.

 

Lahat:        Amen.

 

Ang mga magsisimba ay wiwisikan ng tubig na ginawaran ng pagpapala ng pari. Samantalang ito’y nagaganap, aawitin ang “May bukal sa gawing kanan” o anumang awit tungkol sa binyag:

                            

May bukal sa gawing kanan ng tahanan ng Maykapal; Tubig nito’y bumubuhay  sa lahat ng madaluyan. Aleluya ang awitan!

 

Pagkatapos ay gaganapin ang Panalangin ng Bayan o Panalanging Pangkalahatan.

 

PANALANGIN NG BAYAN

Ang sumusunod na kahilingan ay maaring isama o idagdag ay maaaring sa panalanging Pangkalahatan o Panalangin ng Bayan.

 

Lektor:       Upang tayong lahat ay palakasin sa ating pananampalataya sa muling pagkabuhay ng kagalakang nadama ng Mahal na Birhen noong kanyang masalubong ang anak Niyang nabuhay at mapuspos nawa tayo ng kapayapaan na dulot ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, manalangin tayo.

 

 

 

Pari:

 

Sasagot ang mga tao: 

Lahat:        Amen.

 

 

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

 

PAGHAHANDOG AT PAGHAHANDA NG MGA ALAY

 

Pagkatapos, sisimulan ang Awit sa Paghahanda ng mga Alay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, ang pall, at ang Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

 

Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng pag-aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mga dukha.

 

Ngayon nama’y tatayo ang pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong.

 

Pari:                     Kapuri-puri Ka, Diyos Amang Lumikha ng sanlibutan. Sa Iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

 

Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

 

Kapag hindi ginaganap ang awit sa pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

 

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

 

Ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang pabulong.

 

Pari:                     Sa paghahalong ito ng alak at tubig kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.

 

Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakn ng pari ang kalis nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong.

 

Pari:                     Kapuri-puri Ka, Diyos Amang Lumikha ng sanlibutan. Sa Iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito para maging inuming nagbibigay ng Iyong Espiritu.

 

Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

 

Kapag hindi ginaganap ang awit sa pag-aalay,ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

 

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

 

Pagkatapos, yuyuko ang pari habang dinarasal niya ng pabulong:

 

Pari:                     Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan. Tanggapin Mo ang aming pagsisisi bilang handog upang kami’y matutong sumunod sa Iyo ng buong puso.

 

Pagkatapos ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:

 

Pari:                     O Diyos kong minamahal kasalanan ko’y hugasan at linisin Mong lubusan ang nagawa kong pagsuway.

 

Pagbalik ng pari sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa mga tao at muli niyang pagdaraupin habang ipinahahayag:

 

Pari:                     Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.

 

Sasagot ang mga tao:

Lahat:                  Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan Niya at kabanalan sa ating kapakinabangan at sa buo Niyang Sambayanang banal.

 

Pagkaraaraa’y, ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at darasalin niya ang panalangin ukol sa mga alay.

 

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Pari:                     Ama naming Lumikha,

ang mga handog ng pagkabuhay na aming inihahain sa Iyong dambana

ay pabanalin nawa ng paglukob ng Iyong Espiritu

na pumuspos kay Maria na Ina ng nabuhay na Anak Mo.

na Siyang  namamagitan 

kasama ng Espiritu Santo

magpasawalang hanggan.

Sa katapusan nito’y sasagot ng “Amen” ang mga nagsisimba bilang pagbubunyi. 

Lahat:                  Amen.

 

PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PASASALAMAT

Ngayo’y sisimulan ng pari ang Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat. Ilalahad niya ang kanyang mga kamay habang kanyang sinasabi:

Pari:                     Sumaiyo ang Panginoon.

 

Sasagot ang mga tao:

Lahat         :                  At sumainyo rin.

 

Pagkaraa’y isusunod niya habang itinataas niya ang kanyang mga kamay:

Pari:                     Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

 

Sasagot ang lahat:

Lahat:                  Itinaas na namin sa Panginoon

 

Habang nakataas ang mga kamay, kanyang ipahahayag:

Pari:                     Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos

 

Sasagot ang lahat:

Lahat:                  Marapat  na Siya ay pasalamatan.

 

Ipagpapatuloy ng pari ang Pagbubunyi o Prepasyo ng nakalahad ang kamay. Sa katapusan nito, pagdaraupin niya ang mga kamay niya samantalang kanyang pinaaabot sa hantungan ang Pagbubunyi o Prepasyo.

 

Pari:                     Ama naming makapangyarihan,

                             tunay ngang marapat

                             na Ikaw ay aming pasalamatan

                             lalo ngayong ipinagdiriwang

                             ang paghahain ng Mesiyas,

                             ang maamomg tupa na tumubos sa aming lahat.

 

                             Ang Iyong Anak na minamahal

                             ay naghain ng sarili Niyang buhay.

                             Siya ang tupang maamong umako sa kaparusahan

                             upang mapatawad ang kasalanan ng sanlibutan.

                             Sa pagkamatay Niya sa banal na krus