LINGGO NG PASKO NG MULING PAGKABUHAY
Pambungad:
Salmo 139: 18, 5-6
Ako ay muling nabuhay at kapiling mo na na naman. Ipinatong mo ang kamay, upang Ako ay ingatan. Aleluya, kaylanman.
o kaya:
Lukas 24; 34 & Pahayag 1: Ang Panginoo’y nabuhay! Paghahari’t karangalan ay Kanya magpakailanman. Aleluya Ipagdangal ang Kanyang kadakilaan.
Pambungad na Awit:
MULI AKONG NABUHAY
Batay sa Salmo 138:18, 5-6
Rdo. P. Msgr. Simeon R. Reginio
1. Muli akong nabuhay at ako’y sumasaiyo,
ipinatong Mo sa Akin ang Iyong mga kamay.
Koro: Kahanga-hanga ang Iyong nalalaman.
Tunay ngang muling nabuhay ang Panginoon.
2. Magpasalamat tayo sa Ama na ating Diyos.
Sapagkat Siya ay butihin ang awa’y walang hanggan.
3. Ang Tagapagligtas sambahin ng buong bayan.
Itaas ang ating puso sa buong pagdiriwang.
PAPURI SA DIYOS
Pari: Papuri sa D’yos sa kaitaasan.
Lahat: At sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan N’ya. Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin, sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin. Pinasasalamatan Ka namin dahil sa dakila Mong angking kapurihan. Panginoong D’yos Hari ng langit. D’yos Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak. Panginoong D’yos, Kordero ng D’yos, Anak ng Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan , maawa Ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan , tanggapin Mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa Ka sa amin. Sapagkat Ikaw lamang ang banal at ang kataastaasan. Ikaw lamang, O Hesukristo ang Panginoon, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng D’yos Ama. Amen.
PANALANGING PAMBUNGAD
Pagkaraan ng awit, magkadaop ang mga kamay na ipahahayag ng pari
Pari: Manalangin tayo
Ang lahat kaisa ng pari ay tahimik na mananalangin nang saglit. Pagkalipas ng ilang sandali, ilalahad ng pari ang kanyang kamay at ipahahayg ang panalanging pambungad.
Ama naming makapangyarihan, ngayo’y binuksan Mo para sa amin ang pinto ng kalangitan sa pananaig ng Iyong ank sa kamtayan.Ipagkaloob mong sa pagdiriwang namin sa Pasko ng Pagkabuhay kami’y mabuhay sa pagpapanibagong dulot Mo sa pamamgitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sa katapusan nito’y sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:
Lahat: Amen.
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS |
Paroroon sa pook ng pagbasa ang maglalahad ng Salita ng Diyos. Habang ipinahahayag niya ang unang pagbasa, ang lahat ay nakaupong makikinig.
UNANG PAGBASA
SALMONG TUGUNAN Salmo 117:1-2, 6ab-17, 22-23 (Sagot: 24)
Araw ngayon ng Maykapal, magalak tayo’t magdiwang.
O pasalamatan ang Diyos na Panginoon, pagkat Siya’y mabuti;
ang Kanyang pag-ibig
ay napakatatag at mananatili.
Ang taga-Israel,
bayang sabihi’t kanyang ihayag
”Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi kukupas.”
Ang lakas ng Poon,
ang siyang nagdulot ng ating tagumpay
sa pakikibaka sa ating kaaway.
Aking sinasabing di ako papanaw,
mabubuhay ako upang isalaysay
ang gawa ng Diyos na Panginoon ko.
Ang batong natakwil
ng nangagtatayo ng tirahang-bahay,
sa lahat ng bato’y higit na mahusay.
Ang lahat ng ito
ang nagpamalas ay ang Panginoong Diyos.
Kung iyong mamasdan ay kalugod-lugod.
o kaya:
Ito ang Araw
Salmo 118
Arnel dC. Aquino, SJ
Koro: Ito ang araw na ginawa ng Panginoon
Tayo’y magsaya at magalak.
Koda: Ito ang araw na ginawa ng Panginoon
Tayo’y magsaya at magalak.
1. Magpasalamat kayo sa Panginoon, butihin S’ya,
Kanyang gawa’y walang hanggan.
Sabihin ng sambayanan ng Israel,
walang hanggan, Kanyang awa.
2. Kanang kamay ng Diyos sa Ki’y humango.
Ang bisig N’ya sa ‘kin ang ang Tagapagtanggol.
Ako’y hindi mapapahamak kailanman.
Ipapahayag ko, l’walhati N’ya.
3. Ang aking Panginoon, moog ng buhay.
S’ya ang batong tinanggihan ng tagapagtayo.
Kahanga-hanga sa aming mga mata.
Gawain N’ya, purihin S’ya.
IKALAWANG PAGBASA
AWIT TUNGKOL SA MABUTING BALITA
Purihin si Jesu-Cristo
hain para sa tao.
Nagligtas na Kordero
nang makasundo tayo
ng Amang Lumikha nitong mundo.
Buhay at kamatayan
kapwa nagtunggalian
at ang nagtagumpay
“Pagkabuhay.”
Ano ba Maria,
ang ‘yong mga nakita?
Puntod ni Cristong nabuhay,
liwanag niya’t kaningningan.
Anghel na malinaw,
kumot at kasuutan.
Buhay ni Cristong pag-asa
pupunta s’ya sa Galilea.
Kami’y sumasampalatayang
buhay kang talaga,
Hari ng ligaya,
magbasbas ka.
ALELUYA 1 Corinto 5, 7b-8a
Aleluya! Aleluya! Si Kristo’y inihain na pamaskong maamong tupa. Magsalo tayo sa Kanya! Aleluya! Aleluya!
Aleluya
Celtic Aleluya
Fintan O’ Carrol
David Haas
A–le-lu- -ya! A–le- -lu- -ya! A- le–lu- -ya! A–le- -lu- -ya!
Ito ang araw na ginawa ng Diyos. Aleluya! Aleluya!
Panginoon ay muling nabuhay. Aleluya! Aleluya!
Bayan ng Diyos, magsaya’t umawit!
A–le-lu- -ya! A–le- -lu- -ya! A- le–lu- -ya! A–le- -lu- -ya!
o kaya:
A–le-lu- -ya! A–le- -lu- -ya! A- le–lu- -ya! A–le- -lu- -ya!
Ako ang Muling Pagkabuhay. Aleluya! Aleluya!
Ang manalig sa ‘Kin muling mabubuhay. Aleluya! Aleluya!
Bayan ng Diyos, magsaya’t umawit!
A–le-lu- -ya! A–le- -lu- -ya! A- le–lu- -ya! A–le- -lu- -ya!
MABUTING BALITA Juan 20:1-9
Kailangang muling mabuhay si Hesus.
Ang paring nakayuko sa gawing dambana ay magdarasal ng pabulong:
Makapangyarihang Diyos gawin Mong dalisay ang aking puso at labi upang marapat kong maipahayag ang Mabuting Balita.
Pagkatapos, ang pari ay paroroon sa pook ng pagbasa o sa ambo.
Pari: Madilim-dilim pa nang araw ng Linggo, naparoon na si Maria Magdalena sa libingan. Naratnan niyang naaalis na ang batong panakip sa pinto ng libingan. Dahil dito, patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa alagad na mahal ni Hesus, at sinabi sa kanila, ”Kinuha sa libingan ang Panginoon at hindi namin alam kung saan dinala.” Kaya’t si Pedro at ang nasabing alagad ay nagpunta sa libingan. Kapwa sila tumakbo ngunit si Pedro’ naunahan ng kasamang alagad. Yumuko ito at sumilip sa loob. Nakita niyang nakalagay ang mga kayong lino, ngunit hindi siya pumasok. Kasunod niyang dumating si Simon Pedro at tuloy-tuloy itong pumasok sa libingan. Nakita niya ang mga kayong lino at ang panyong ibinalot sa ulo. Hindi ito kasama ng mga kayong lino, kundi hiwalay na nakatiklop sa isang tabi. Pumasok din ang alagad na naunang dumating; nakita niya ito at siya’y naniwala. Hindi pa nila nauunawaan ang nasasaad sa Kasulatan, na kailangaing muling mabuhay si Hesus.
Sa katapusan, ihahayag niya:
HOMILIYA
Pagkaraan, gaganapin ang homiliya na magandang pagkakataon para ipaliwanag ang Salubong at ang mga pagbasa lalung-lalu na ang Mabuting Balita at ipakita ang kaugnayanng mga ito sa karanasan ng mga nakikinig.
PAGSASARIWA SA PANGAKO SA PAGBIBINYAG
Sa lahat ng mga Misa ngayon para sa mga tao, gaganapin ang pagsasariwa sa pangakong pambinyag pagkatapos ng homiliya. Lalaktawan ang sumasampalataya. Aanyayahan ang mga tao sa ganito o katumbas na mga pangungusap:
Pari: Mga kapatid,
sa misteryo ng Pasko ng Pagkamatay at Pagkabuhay ni Kristo,
tayo’y nalibing kasama Niya noong tayo’y binyagan
upang kasama rin Niya tayo’y makabangon at makapagbagong-buhay.
Naganap na natin ang apatnapung araw na Paghahanda,
Kaya’y sariwain natin ngayon an gating pangako sa pagbibinyag.
Talikdan natin ang kasamaan at kasalanan.
Harapin natin ang matapat na paglilingkod sa Diyos
bilang mga maaasahang kaanib
sa Kanyang banal na Simbahang Katolika.
Kung kayo’y makapangangakong tatalikod
Sa lahat ng hadlang sa katuparan ng panukala ng Diyos upang kayo’y makapamuhay
Bilang matapat at maaasahang kaanib ng Kanyang angkan pakisagot ninyo itong tatlong katanungan.
Pari: Para kayo makapamuhay bilang mga malayang anak ng Diyos, ang kasalanan ay itinatakwil ba ninyo?
Lahat: Opo, itinatakwil namin.
o kaya:
Pari: Si Satanas ay itinatakwil ba ninyo?
Lahat: Opo, itinatakwil namin.
II
Pari: Para kayo’y huwag mapailalim sa kasalanan, ang kaakit-akit na tukso ng kasamaan ay itinatakwil ba ninyo?
Lahat: Opo, itinatakwil namin.
o kaya:
Pari: Ang mga gawain ni Satanas ay itinatakwil ba ninyo?
Lahat: Opo, itinatakwil namin.
III
Pari: Si Satanas na pinanggagalingan ng kasalanan at pinuno ng kadiliman ay itinatakwil ba ninyo?
Lahat: Opo, itinatakwil namin.
o kaya:
Pari: Ang mga pang-akit ni Satanas upang sumuway ang tao sa Diyos ay itinatakwil ba ninyo?
Lahat: Opo, itinatakwil namin.
Pari: Ngayon nama’y ating harapin ang ang ating pananampalataya.
Kung kayo’y makapangangakong magsisikap mamuhay bilang mga ikinararangal na Anak ng Diyos Ama,
kung tutularan ninyo Siya sa Kanyang kabutihan, pagmamahal sa lahat, at pagmamalasakit para sa pangkalahatang kapakanan, pakisagot ninyo ang katanungang ito:
Sa Diyos amang makapangyarihan sa lahat at Lumikha ng langit at lupa kayo ba ay sumasampalataya?
Lahat: Opo, sumasampalataya kami.
Pari: Kung kayo’y makapangangakong magsisikap mamuhay bilang mga tunay na kapatid ng Panginoong Hesus, kung gagawin ninyong simulain sa buhay ang Kanyang katwiran, katarungan, at paglilingkod sa lahat alinsunod sa Kanyang pagmamahal, pakisagot ninyo ang katanungang ito:
Sa iisang Anak ng Diyos, ang ating Panginoong Hesukristo, na ipinanganak ni Santa Mariang Birhen, ipinako sa krus, namatay inilibing, muling nabuhay ay naluluklok sa kanan ng Ama kayo ba ay sumasampalataya?
Lahat: Opo, sumasampalataya kami.
Pari: Kung kayo’y makapangangakong susunod sa patnubay ng Espiritu Santo at kung sisikapin ninyong mapaunlad ang kaloob niyang buhay at pagmamahal upang mga maipagmamalaking anak ng Diyos Ama at kapatid ng Panginoong Hesus pakisagot ninyo ang katanungang ito:
Sa Espiritu Santo, sa Banal Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa muling pagkabuhay ng mga namatay, at sa buhay na walang hanggan, kayo ba ay sumasampalataya?
Lahat: Opo, sumasampalataya kami.
Pari: Bunga ng pagmamahal ng Diyos na makapangyarihang Ama ng ating Panginoong Hesukristo
tayo ay pinatawad sa ating mga kasalanan
noong tayo’y muling isilang sa tubig at Espiritu Santo
tulungan nawa Niya tayonmg mamalaging tapat
sa ating Panginoong Hesukristo ngayon
at magpasawalang hanggan.
Lahat: Amen.
Ang mga magsisimba ay wiwisikan ng tubig na ginawaran ng pagpapala ng pari. Samantalang ito’y nagaganap, aawitin ang “May bukal sa gawing kanan” o anumang awit tungkol sa binyag:
May bukal sa gawing kanan ng tahanan ng Maykapal; Tubig nito’y bumubuhay sa lahat ng madaluyan. Aleluya ang awitan!
Pagkatapos ay gaganapin ang Panalangin ng Bayan o Panalanging Pangkalahatan.
PANALANGIN NG BAYAN
Ang sumusunod na kahilingan ay maaring isama o idagdag ay maaaring sa panalanging Pangkalahatan o Panalangin ng Bayan.
Lektor: Upang tayong lahat ay palakasin sa ating pananampalataya sa muling pagkabuhay ng kagalakang nadama ng Mahal na Birhen noong kanyang masalubong ang anak Niyang nabuhay at mapuspos nawa tayo ng kapayapaan na dulot ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, manalangin tayo.
Pari:
Sasagot ang mga tao:
Lahat: Amen.
PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN |
PAGHAHANDOG AT PAGHAHANDA NG MGA ALAY
Pagkatapos, sisimulan ang Awit sa Paghahanda ng mga Alay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, ang pall, at ang Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.
Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng pag-aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mga dukha.
Ngayon nama’y tatayo ang pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong.
Pari: Kapuri-puri Ka, Diyos Amang Lumikha ng sanlibutan. Sa Iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.
Kapag hindi ginaganap ang awit sa pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:
Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!
Ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang pabulong.
Pari: Sa paghahalong ito ng alak at tubig kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakn ng pari ang kalis nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong.
Pari: Kapuri-puri Ka, Diyos Amang Lumikha ng sanlibutan. Sa Iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito para maging inuming nagbibigay ng Iyong Espiritu.
Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.
Kapag hindi ginaganap ang awit sa pag-aalay,ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:
Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!
Pagkatapos, yuyuko ang pari habang dinarasal niya ng pabulong:
Pari: Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan. Tanggapin Mo ang aming pagsisisi bilang handog upang kami’y matutong sumunod sa Iyo ng buong puso.
Pagkatapos ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:
Pari: O Diyos kong minamahal kasalanan ko’y hugasan at linisin Mong lubusan ang nagawa kong pagsuway.
Pagbalik ng pari sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa mga tao at muli niyang pagdaraupin habang ipinahahayag:
Pari: Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.
Sasagot ang mga tao:
Lahat: