Aimer c'est tout donner et se donner soi meme.

ANG PANGINOON ANG AKING PASTOL
Batay sa Salmo 23
Titik: Danilo B. Isidro, SJ Musika: Felipe Fruto L. Ramirez, SJ

Koro: Ang Panginoon ang aking pastol, pinagiginhawa akong lubos.

1. Handog N’yang himlaya’y sariwang pastulan, ang pahingahan ko’y payapang batisan. Hatid kaluluwa ay kaginhawaan; sa tumpak na landas, Siya ang patnubay.

2. Madilim na lambak man ang tatahakin ko, wala akong sindak, Siya’y kasama ko. Ang hawak N’yang tungkod ang siyang gabay ko, tangan N’yang pamalo, sigla’t tanggulan ko.

3. Inihahandog Niya sa akin ‘sang dulang. Maging sa harap man ng aking mga kaaway; kasiyahan Niyang ulo ko’y langisan, saro ko’y punuin hanggang sa umapaw.

4. Kagandahang loob, pawang kabutihan. Ang tanging kasunod ng buhay kong taglay. Doon sa tahanan ng Poong Maykapal, nais kong manahan magpakailanman.

SALMO 23
Arnel dC. Aquino, SJ

Koro: Ang Panginoon ang aking Pastol, wala ‘kong dapat ikapangambang anuman.

Koda: Ang Panginoon ang aking Pastol, wala ‘kong dapat ikapangambang anuman.

1. Luntiang pastulan doon hihimlay; malinaw na batis, pamatid-uhaw. Sa tamang landas ako’y babanaagan. Kay tapat N’ya sa akin.

2. Dilim at panganib S’ya ang papawi, bisig Niya’t kapit, tatag ng dibdib. Ang hain N’ya nga ang sagana ng buhay. Tahanan ko’y Kanyang pag-ibig.

3. Dalangin ko lamang, O Panginoon, ay pagkabagabag ng kalooban. Kung piliin ko mang maligaw ang pag-ibig, tawagin Mo at akaying pauwi.
Salmo 23 O, Bayan ng Diyos! Himig Heswita 
Ang Panginoon Ang Aking Pastol Huwag Mangamba: Mga Awit ng Pagtatagpo Noel Cabangon 

Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help

Template design - Copyright © 2005 Sam Royama All rights reserved.